Latest News

House Bill No. 9459

House Bill No. 9459

Aug 03, 2021 Congress, Event, Legis, Medical Assistance, Senior Citizens

GOOD NEWS mga kapwa ko Senior Citizens!

Buong galak ko pong ibinabalita sa inyo na ang House Bill 9459 na isinulong natin upang mapalaki ang social pension na tinatanggap ng ating mga kapatid na social pensioners ay naipasa na sa 3rd reading sa Kongreso!

Ang batas na ito ay nag mimithing mapataas ang social pension na tinatanggap ng ating mga senior citizens mula PhP 500 papunta sa PhP 1000. Pinadadali rin nito ang kwalipikasyon para maging isa social pensioner ang ating mga senior sa pamamagitan ng pagtanggal ng kawlipikasyon na “frail, sickly, at disabled” para ho basta wala tayong permanent source of income ay pwede na tayo maging social pensioner.
Dahil sa batas na ito hindi lang natin mapapalaki ang tinatanggap na ayuda ng ating kapwa senior pero mapaparami pa natin ang mga senior na pwedeng maging social pensioner. Maraming salamat po sa aking mga kapwa senior na walang humpay na sumusuporta sa Senior Citizens Party-List upang gawing realidad ang mga pangarap ng ating hanay!